MOL, pahuhusayin ang kakumpetensiyahan ng mga SME at papaunlarin ang Kabihasaan ng Manggagawang Thai


     Ang Ministro ng Paggawa ay naglungsad ng proyektong pinamagatang “Pagpapabuti sa Pagiging Produktibo ng Manggagawang Thai” upang mapabuti ang kakumpetensiyahan ng mga SME at pagpapaunlad sa kasanayan o skills ng mga manggawang Thai. Layon nito na mapataas ang kakumpetensiyhan habang mapapababa ang productivity loss upang masigurado na ang pangkalahatang pagpapaunlad sa industriya at pagsikapin na ang ekonomiya ng Thailand ay maging “Matiwasay, Masagana, at Mapapanatiling Maunlad”
           
     Inihayag ng Tagapagsalita ng Pamahalaan na si Komandante-Heneral Sansern Kaewkamnerd, na itinalaga ng pamahalaan ang Ministro ng Agrikultura at mga Kooperatiba na magsagawa ng isang proyekto na "Paghuhukay ng Maliit na Reservoir para sa Pangagrikultural Pantalang sa labas ng Mga Lugar ng Patubig" o "Maliit na Ponds" sa buong bansa upang matugunan ang tagtuyot sa mga lugar sa labas ng mga lugar ng irigasyon o patubig upang ang mga tao ay magkaroon ng reservoir para sa paggamit ng tubig at agrikultura bilang inisyatiba ng pamahalaan upang matiyak na may mapagkukunang seguridad at paglika ng balanse sa pagitan ng konserbasyon at sustainable na paggamit.

     Sa piskal na taon 2015, ang gobyerno ay naglaan ng 356 milyong baht sa paghuhukay ng 20,000 mas maliit na pond. Ang bawat pond ay nagkakahalaga ng 20,300 baht: ang kontribusyon ng pamahalaan na 17,800 baht at ang sariling kontribusyon ng may-ari ng lupa (2,500 baht). Mula Oktubre 2014 hanggang Setyembre 2015, hinukay ng pamahalaan ang 56,206 maliit na pond. Ang mga pond ay makakapaghawak ng 1,260 cbm ng tubig para sa pagkonsumo, pagsasaka ng isda, at paghahardin ng halaman sa paligid ng mga dulo ng pond para sa pagkonsumo ng sambahayan, upang makatulong sa pagpapababa ng gastos ng sambahayan.

     "Ang Punong Ministro ay labis na nag-aalala tungkol sa pamumuhay ng mga tao, lalo na sa mga labas ng mga lugar ng irigasyon na nahaharap sa malalang tagtuyot. Bilang resulta, regular siyang nagfofollow-up sa progreso ng proyekto at binibigyang diin ang mga responsableng ahensya upang mabilis na makumpleto ang proyekto upang matiyak na ang mga tao ay may sapat na tubig para sa pagkonsumo at agrikultura. Ipagpapatuloy namin ang proyekto upang harapin ang pangmatagalang tagtuyot sa bawat rehiyon."

     “Bagama’t ang gobyerno ay nagplano at nagpatupad ng ilang mga hakbang upang harapin ang tagtuyot kasama ang paggamit ng Royal Rainmaking sa pagtipon ng tubig sa mga dam, maging pagsasagawa Monkey’s Cheeks Project upang panatilihin ang tubig sa isang lugar, pagpaplano ng pamamahagi ng tubig para sa pagkonsumo at pagpapanatili ng ecosystem, at paghuhukay ng maliliit na pond sa buong bansa, ang pinakamahalagang bagay ay ang pagkilala ng mga mamamayan ang kahalagahan ng tubig ang mga isyung nakapaloob dito. Kailangan nating maunawaan na ang dami ng tubig sa ating bansa ay depende sa dami ng ulan. Gayundin, ang pagbabago ng pandaigdigang klima ay nagbawas sa dami ng pag-ulan sa itaas ng mga dam at naging sanhi ng paulit-ulit na pag-ulan o kawalan ng pag-ulan. Hinihiling namin ang pakikipagtulungan ng mga mamamayan sa pagtitipid ng tubig at pag-iwas sa pagsasayang sa tubig. Naniniwala rin kami na ang mga magsasaka ay dapat na lumipat sa mga pananim na nangangailangan ng mas kaunting tubig upang mapigilan ang panganib ng krisis sa tagtuyot sa hinaharap.”

Create by  - Supawan  Sittipanya (27/06/2019 12:50:37 am)

Download

Page views: 393