Permanenteng Kalihim ng Ministro ng Paggawa: Thailand at Singapore, pinaigting ang kooperasyon sa paggawa


     Ang Permanenteng Kalihim ng Ministro ng Paggawa ay dumalo sa isang kumperensya sa tripartism para sa sustainable development kasama ang mahigit 800 na kinatawan mula sa mga triparty mula sa 14 na mga bansa upang ipagdiwang ang Pambansang Kaarawan ng Singapore. Ang Permanenteng Kalihim ay nakipagkita kay G. Loh Khum Yean, Permanenteng Kalihim ng Ministro ng Paggawa ng Singapore upang mapagtibay ang samahan sa kooperasyon sa paggawa.

     Noong ika-26 ng Oktubre, 2015, ang Permanenteng Kalihim ng Ministro ng Paggawa ML Boontarik Smithi kasama ang Direktor ng Kawanihan ng Panginternasyonal na Kooperasyon at Tanggapang Paggawa sa Singapore ay dumalo sa Internasyonal na Forum sa Tripartism - Tripatism for Sustainable Growth and Development sa Devan Nair Institute for Employment and Employability sa Singapore kasunod ang imbitasyon mula sa Ministro ng Paggawa ng Singapore upang ipagdiwang ang ika-50 Pambansang Kaarawan ng Singapore at pagkamiyembro sa Organisasyon ng Pandaigdigang Paggawa.

     Sa forum na ito, si G. Guy Rider, Punong Diretok ng ILO , ay naghatid ng paunang talumpati at nagtalakay kasama ang mga kinatawan ng triparty mula sa Singapore. Bukod pa rito, ang mga nakakataas na kinatawan mula sa Barbados, Denmark, Ireland, Hapon, at Singapore ay nagpalitan ng mga karanasan kung paano mapapalakas ang tripartism para sa sustainable na pagunlad at paglago.
 

Create by  - Supawan  Sittipanya (27/06/2019 12:52:28 am)

Download

Page views: 479