Kasaysayan ng NBTC



Komisyon sa Pambansang Pagsasahimpapawid at Telekomunikasyon (National Broadcasting and Telecommunication Commission o NBTC)

Ang National Broadcasting and Telecommunication Commission o NBTC ay isang malayang ahensiya ng estado na itinatag sa ilalim ng Batas sa Organisasyon sa Pagtatalaga sa Radio Frequency at sa Pagregula ng Mga Serbisyong Pagsasahimpapawid at Telekomunikasyon (Taong 2010). Ang Batas na ito ay naisabatas ayon sa Seksyon 47 ng Saligang Batas ng Kaharian ng Taylandiya (2007), na nag-aatas na:

"Ang mga transmission frequency para sa pagsasahimpapawid sa radyo o telebisyon at sa pangtelekomunikasyon ay mga pambansang yamang pangkomunikasyon para sa pampublikong interes.Nararapat na magkakaroon ng isang malayang pangasiwaang pangregulasyon na may tungkulin sa pagbabahagi ng mga frequency na nakasaad sa unang talata at mangasiwa sa pagsasahimpapawid sa radyo o telebisyon at negosyong pangtelekomunikasyon gaya ng itinatadhana ng batas. "

Ang NBTC ay may mga kapangyarihan at tungkulin upang italaga ang mga frequency at upang pangasiwaan ang mga negosyong pagsasahimpapawid at pangtelekomunikasyon na may sukdulang pagsasaalang-alang para sa benepisyong pampubliko. Ang Tanggapan ng NBTC ay responsable para sa administratibong gawaing pang-ugnayan, ari-arian, mga karapatan, obligasyon, mga pagkaka-utang, mga tauhan, at mga kawani, at badyet ay nailipat mula sa Tanggapan ng Komisyon sa Pambansang Telekomunikasyon na na-ipagbisa mula ika-20 ng Disyembre Taong 2010.

Sa kaganapan na ang pagtatalaga sa National Broadcasting and Telecommunication Commission ay hindi pa ganap, itinatadhana na  ang Komisyon sa Pambansang Telekomunikasyon ay pansamantalang magpapapatuloy sa pagsasagawa ng mga tungkulin nito pansamantalang bilang nakatakda sa mga tadhanang lilipas. Noong ika-7 ng Oktubre Taong 2011, hinirang ng Royal na Proklamasyon ang National Broadcasting and Telecommunications Commission, sa ilalim ng Seksyon 17 ng Batas sa Organization sa Pagtatalaga ng Radio Frequency at sa Pagregula ng Mga Serbisyong Pagsasahimpapawid at Telekomunikasyon (Taong 2010), na binubuo ng labing-isang taong dalubhasa sa iba't-ibang larangan upang gumanap sa mga responsibilidad at lubos na mangasiwa sa mga ugnayang pangkomunikasyon.

Upang maging angkop sa pagsasakatuparan ng iba't-ibang mga importanteng gawain, itinatadhana ang paghirang ng 2 pang subcommittees na kumilos sa ngalan ng Komisyon sa Pambansang Pagsasahimpapawid at Pangtelekomunikasyon para sa lahat ng mga tungkulin at responsibilidad na iniatas ang bilang Tadhanang Lilipas, i.e., "Komisyon sa Mga Serbisyong Sound Broadcast at Television Broadcast" ay dapat kumilos sa ngalan ng NBTC sa mga tuntunin ng pangangasiwa ng mga serbisyong sound broadcasting at television broadcasting at “Komisyon sa Telekomunikasyon” ay dapat kumilos sa ngalan ng pangangasiwa ng ugnayang pangtelekomunikasyon. Gayunman, ang parehong mga komisyon ay lilitaw sa anyo ng subcommittee lamang, kaya ang pagbabalangkas ng mga patakaran at paggawa ng desisyon sa mahahalagang mga bagay, ay kinakailangan gumawa ng desisyon ng magkakasama na may 11 (labing-isang) mga tao sa lupon ng pangasiwaan at mga tauhan sa Tanggapan ng NBTC na pinangunahan ng Kalihim-Heneral ng NBTC, upang mangasiwa at magpatupad ng misyon ng tanggapan ng NBTC.

Samakatuwid, ito ay sinasabi na ang NBTC ay ganap ng nangangasiwa at namamahala ng mga frequency at sa sound broadcasting at television broadcasting pati na rin ang sa negosyong pangtelekomunikasyon upang mapalawak ang benepisyong pampubliko at sumuporta sa patas at malayang kompetisyon.

Saligang Batas ng Kaharian ng Taylandiya (2007),
Batas sa Organisasyon sa Pagtatalaga sa Radio Frequency at sa Pagregula ng Mga Serbisyong Pagsasahimpapawid at Telekomunikasyon (Taong 2010)

Download

Create by  -   (17/01/2017 9:50:36 am)