การสรรหา กสทช.

Ang pagpili sa kauna-unahang Komisyon sa Pambansang Pagsasahimpapawid at Telekomunikasyon
          Ang pagpili at pagtatalaga ng unang NBTC ay sumunod sa Seksyon 16 at Seksyon 17 ng Batas sa Organisasyon sa Pagtatalaga sa Radio Frequency at sa Pagregula ng Mga Serbisyong Pagsasahimpapawid at Telekomunikasyon (2010), ay nangangahulugan na ito ay ayon sa Kabanata 1 Bahagi 2 ng Batas upang bumalangkas ng isang listahan ng 22 eksperto sa pamamagitan ng nominasyon bilang unang listahan at sa Kabanata 1 Bahagi 3 ng Batas upang maghanap ng isang listahan ng 22 angkop na mga eksperto sa pamamagitan ng pagpili bilang pangalawang listahan, ang kalihiman ng Senado bilang tagapangasiwa ng nominasyon at pagpili ng NBTC ay magpapakita ng listahan ng 44 angkop na kandidato mula sa dalawang listahan kasama ang kanilang mga profile at mga tala ng trabaho sa Senado para sa pormal na pagpili. Mula sa bawat listahan, ang mga angkop na eksperto para sa NBTC ay ang mga sumusunod:

Sa pamamagitan ng nominasyon (ang unang listahan) 22 eksperto
  • Dalawang eksperto sa mga serbisyo sa sound broadcasting
  • Dalawang eksperto sa mga serbisyo sa television broadcasting
  • Apat na eksperto sa mga serbisyong pangtelekomunikasyon
  • Apat na eksperto sa batas
  • Apat na eksperto sa economics
  • Ang dalawang eksperto sa proteksyon ng consumer na kapaki-pakinabang sa regulasyon sa mga serbisyo sa sound broadcasting at television broadcasting
  • Dalawang eksperto sa proteksyon ng mga mamimili na kapaki-pakinabang sa regulasyon ng mga serbisyong pangtelekomunikasyon
  • Ang dalawang eksperto sa edukasyon at kultura na kapaki-pakinabang sa regulasyon sa mga serbisyo sa sound broadcasting at television broadcasting

Sa pamamagitan ng pagpili (ang pangalawang listahan) 22 tao
  • Seksyon 6 (1) Dalawang dalubhasa sa mga serbisyo sa sound broadcasting
  • Seksyon 6 (1) Dalawang dalubhasa sa mga serbisyo sa television broadcasting
  • Seksyon 6 (2) Apat na eksperto sa mga serbisyong pangtelekomunikasyon
  • Seksyon 6 (3) Apat na eksperto sa legal na kapaki-pakinabang sa regulasyon sa mga serbisyo sa sound broadcasting, television broadcasting, at serbisyong pangtelekomunikasyon
  • Seksyon 6 (3) Apat na eksperto sa ekonomiya na kapaki-pakinabang sa regulasyon sa mga serbisyo sa sound broadcasting, television broadcasting, at serbisyong pangtelekomunikasyon
  • Seksyon 6 (4) Dalawang dalubhasa sa proteksyon ng consumer o mga karapatang sibil na kapaki-pakinabang sa regulasyon sa mga serbisyo sa sound broadcasting at television broadcasting
  • Seksyon 6 (4) Dalawang dalubhasa sa proteksyon ng consumer o mga karapatang sibil na kapaki-pakinabang sa regulasyon ng mga serbisyong pangtelekomunikasyon
  • Seksyon 6 (5) Ang dalawang eksperto sa edukasyon at kultura kapaki-pakinabang sa regulasyon sa mga serbisyo sa sound broadcasting, television broadcasting, at serbisyong pangtelekomunikasyon

          Pagkatapos nito, hinirang ng Pangulo ng Senado ang Ordinaryong Komisyon upang repasuhin ang profile, asal, at etikal na pag-uugali ng angkop na mga kandidato para sa Mga Komisyonger ng Pambansang Komisyon sa Telekomunikasyon upang maipakita sa mga miyembro ng Senado para sa pormal na pagpili.

          Araw ng Lunes, ika-5 ng Septiyembre, 2011, bandang 10:10 ng umaga, ang Senado ay nagsagawa ng ikalimang pulong ng senado (ordinaryong sesyon) kung saan iniharap ng tagapangulo ng pulong sa pulong ang isang kagyat na isyu na na ang pagpili ng Mga Komisyoner ng Komisyon sa Pambansang Pagsasahimpapawit at Telekomunikasyon (2010). Nang ang Tagapangulo ng Pangkalahatang Komite sa pagsusuri ang profile, asal, at etikal na pag-uugali ng mga nararapat na kandidato para sa Komisyon sa Pambansang Pagsasahimpapawit at Telekomunikasyon (NBTC) ay iniharap ang unang bahagi ng ulat ng Komite na isang ulat sa publiko pagkatapos ng mga talakayan ng Komite ang mga miyembro, ang Tagapangulo ng pulong ay nagsagawa ng kompidensyal na pulong tulad ng hiniling ng Komite ayon sa mga Regulasyon sa Mga Pulong ng Senado (2008) Artikulo 108 upang ikonsidera ang ikalawang bahagi ng ulat na isang kumpidensyal na ulat ayon sa Mga Panuntunan Artikulo 106 Talata 2. Nang ipahayag ng Tagapangulo ng Komite ang ulat at ang mga miyembro ay may sapat na oras sa talakayan, ang tagapangulo ng pulong ay nagsagawa ng isang pulong sa publiko at ang pulong ay bumoto upang piliin ang mga hinirang na tao sa pamamagitan ng kumpidensyal na pagboto gamit ang mga balota para sa 11 tao. Ang mga resulta ng pagpili ng Mga  Komisyoner sa Pambansang Komisyon sa Telekomunikasyon ay ang mga sumusunod:
  1. Mga serbisyo sa sound broadcasting batay sa Seksyon 6 (1) Isang eksperto – Air Chief Marshal Thares Poonsri
  2. Mga serbisyo sa television broadcasting batay sa Seksyon 6 (1) Isang eksperto – Tenyente-Heneral Peerapong Manakij
  3. Mga serbisyong pangtelekomunikasyon batay sa Seksyon 6 (2) Dalawang eksperto – Koronel Settapong Malisuwan at Koronel Natee Sukonrat
  4. Mula sa Batas batay sa Seksyon 6 (3) Dalawang eksperto – G. Suthipol Thaweechaikarn at Pulis Koronel Thaweesak Ngam-sa-nga
  5. Mula sa Economics batay sa Seksyon 6 (3) Dalawang ekesperto – Associate Professor Prasert Silpipat at Assistant Professor Thawatchai Jittrapanunt
  6. Mula sa proteksyon ng consumer sa mga serbisyo sa sound broadcasting at television broadcasting batay sa Seksyon 6 (4) Isang eksperto – Bb. Supinya Klangnarong
  7. Mula sa proteksyon ng consumer para sa serbisyong pangtelekomunikasyon batay sa Seksyon 6 (4) Isang eksperto – G. Pravit Leesatapornwongsa
  8. Mula sa sa edukasyon at kultura para sa mga serbisyo sa sound broadcasting, television broadcasting, at serbisyong pangtelekomunikasyon batay sa Seksyon 6 (5) Isang eksperto – Heneral Sukij Kamasoonthorn

          Samakatuwid, ang 11 kandidato ay ang mga kandidato na pinili ng Senado upang maging Mga Komisyoner ng Komisyon sa Pambansang Pagsasahimpapawit at Telekomunikasyon. Inabisuhan ng Pangulo ng Senado ang matagumpay na mga kandidato ng listahan ng pangalan ayon sa Seksyon 17 Talata 1 at iniulat ang resulta sa Tanggapan ng NBTC para sa pagpili ng tagapangulo at dalawang ikalawang tagapangulo ayon sa Seksyon 17 Talata 3.

          Noong ika-12 ng Septiyembre, 2011, inimbita ng Tanggapan ng NBTC ang 11 kandidato na pinili ng Senado na dumalo sa pulong upang piliin ang tagapangulo at dalawang ikalawang tagapangulo. Pinili ng mga kandidato si Air Chief Marshal Thares Poonsri bilang tagapangulo at pinili sa kumpidensyal na pulong sila Koronel Natee Sukonrat at Koronel Settapong Malisuwan bilang mga ikalawang tagapangulo. Iniulat ng Tanggapan ng NBTC ang resulta sa Pangulo ng Senado.

          Noong ika-19 ng Septyembre, 2011, ipinakita ng Kalihim ng Senado ang resulta ng pagpili ng NBTC kabilang ang isang tagapangulo, dalawang ikalawang tagapangulo, at walong komisyoner sa Pangulo ng Senado upang maipakita ang resulta sa Punong Ministro na siyang maghaharap ng ito sa Kanyang Kamahalang Hari.

          Noong ika-4 ng Oktubre, 2011, ang Tanggapan ng Punong Pribadong Kalihim ng Kanyang Kamahalan ay iniharap sa pulong ng Privy Council para sa pagsusuri at konsiderasyon bago ipakita sa Kanyang Kamahalang Hari.

          Noong ika-7 ng Oktubre, 2011, ang Anunsyo ng Tanggapan ng Punong Ministro ay nagpakita ng Royal Command na nagtatalaga sa 11 Mga Komisyoner Komisyon sa Pambansang Pagsasahimpapawit at Telekomunikasyon bilang mga sumusunod:
1. Air Chief Marshal Thares Poonsri Tagapangulo
2. Koronel Natee Sukonrat Ikalawang Tagapangulo
3. Koronel Settapong Malisuwan    Ikalawang Tagapangulo
4. Tenyente General Peerapong Manakij Komisyoner
5. G. Suthipol Thaweechaikarn Komisyoner
6. Pulis Koronel Thaweesak Ngam-sa-nga Komisyoner
7. G.Prasert Silpipat  Komisyoner
8. G. Thawatchai Jittrapanunt Komisyoner
9. Bb. Supinya Klangnarong Komisyoner
10. G. Pravit Leesatapornwongsa Komisyoner
11. Heneral Sukij Kamasoonthorn Komisyoner

          Epektibo mula noong ika-7 ng Oktubre, 2011. Pahina 21 Book 128 Espesyal na Bahagi 118 Ngor Government Gazette Ika-7 ng Oktubre, 2011

Create by  - Supawan  Sittipanya (26/06/2019 11:04:27 pm)

Download

Page views: 10515